Pagsasalin ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula Wikang Mëranaw Tungo sa Wikang Filipino: Konsiderasyon at Aplikasyon ng mga Dulog at Teknik sa Pagsasaling Kultural

Authors

  • Alia D. Ramber
  • Chem R. Pantorilla

DOI:

https://doi.org/10.62071/jssh.v11i.138

Keywords:

Pagsasaling Kultural, Cultural Turn, Identidad, Paramata Gandingan, Darangen

Abstract

Diwa sa diwa ang karaniwang tuon ng mga tagapagsalin sa pagsasalin ng isang teksto. Nagkaroon ito ng paglihis nang sumibol ang kilusang “cultural turn” sa pagsasalin dahil higit na pinahalagahan dito ang lapit-kultural sa pagsasaling-wika. Pangunahing panlantaw sa kilusang ito na maikintal ang kulturang nakapaloob sa teksto kaya ito ang naging sandigan sa ginawang pagsasalin ng Paramata Gandingan, bahagi ng epikong Darangen, mula wikang Meranaw tungo sa wikang Filipino. Sa paggamit ng lapit na ito sa ginawang pagsasalin, igiinit nito ang paglilok sa pamamagitan ng proseso ng pagsasalin ang kultura at kaakohan ng tribong Mëranaw. Sa kabuuan, anim (6) na paraan o teknik ang mahalaga sa pagsasalin ng kultural na materyal gaya ng Paramata Gandingan ito ang: Adapsyon at/o ang Kultural na katumbas, Modulasyon, Amplipikasyon, Naturalisasyon, at ang paghahalo ng higit sa isang teknik na tinatawag na Kuplets. Ipinakita ang kulturang Mëranaw sa pagsasalin sa pamamagitan ng pagpapanatili ng mga kultural na salita tulad ng tonong, torogan, ayonan, datu. Kung hindi man pinanatili ay tinumbasang ito ayon sa pagsasakonteksto sa lipunang Mëranaw. Pinahalagahan ang mga tradisyon at klasikong katawagan sa proseso ng pagsasalin gamit ang iba-ibang teknik upang maitanghal ang kaakohang natatangi sa tribong Mëranaw.

Published

12/10/2022

How to Cite

Ramber, A., & Pantorilla, C. (2022). Pagsasalin ng Kuwento ni Paramata Gandingan Mula Wikang Mëranaw Tungo sa Wikang Filipino: Konsiderasyon at Aplikasyon ng mga Dulog at Teknik sa Pagsasaling Kultural. Langkit : Journal of Social Sciences and Humanities, 11, 27–44. https://doi.org/10.62071/jssh.v11i.138

Issue

Section

Articles