Varyasyong Leksikal ng mga Wikaing Bagobo -Tagabawa, Giangan at OboManobo ng Lungsod Davao: Pokus sa Dimensyong Heyograpikal
DOI:
https://doi.org/10.62071/jssh.v7i.77Keywords:
Varyasyon, Wikain, Tagabawa, Giangan, Obo-ManoboAbstract
Pagsusuri sa varyasyong leksikal ng mga wikaing BagoboTagabawa, Giangan at Obo-Manobo ang pag-aaral na may pokus sa heyograpikal na dimensyon. Kwalitatibo ang disenyo ng isinagawang pag-aaral at sinunod ang metodong indehinus na pamamaraan ng paglilikom at pag-analisa ng mga datos. Ginamit sa analisis ng datos ang Free Variation ni Meyerhoff (2011) na naglilinaw ukol sa pagaaral ng mga varyabol at mga varyant ng wika. Ito rin ang konteksto ng kaisipan ni Labov tungkol sa Language Change (nasa Meyerhoof, 2011). Mula sa pagsusuri, nagkakaroon ng varyasyong leksikal sa mga wikang nabanggit batay sa mga salitang magkaiba ang anyo ngunit pareho ang kahulugang taglay ng mga ito. May magkatulad rin ang anyo at parehong kahulugan sa tatlong wikain at ang varyasyong may pareho sa dalawang wikain ngunit naiiba sa isa. Sa mga varyasyong umusbong, kapansin-pansin ang pagkakaroon ng kani-kanilang paraan ng paggamit ng wika ayon na rin sa topograpiyang kanilang kinabibilangan. Dito nakakabuo ng katangian ng kanilang wika at nagbubunsod ng pagbabagong sosyolohikal na nagaganap sa wikaing kanilang ginagamit.