Libog mo, Libog ko: Ang Kalibugan at ang mga Pagnanasa sa mga Akda ni Eros Atalia
DOI:
https://doi.org/10.62071/jssh.v6i.68Keywords:
libog, sekswal na pagnanasa, saykoanalitikal na pagbasa, Eros Atalia, politikal na pagnanasaAbstract
Nilayon ng papel na ito na maipakita sa mga akda ni Eros Atalia ang kahulugan ng “libog”. Magkaiba ang kahulugan ng salitang ito sa wikang Filipino kung ikumpara sa pagpapakahulugan ng wikang Bisaya. Ganunpaman, pinaniniwalaang magkaugnay lamang ang konsepto sa dalawang nabanggit na wika kaya ito ang hinanap at sinuri sa mga akda ni Atalia. Gamit ang saykoanalitik na lapit sa pagsusuri ay sinuri ang limang akda ni Atalia. Isa-isang sinuyod ang paglalarawan ng “libog” at desire o pagnanasa upang maipakita ang larawan nito na higit pa sa sekswal na kahulugan. Inilahad din sa pagsusuri ang iba-ibang pagnanasa ng awtor na nagpapalutang sa kahulugan ng “libog” upang mailantad sa mambabasa ang mga pangyayaring may kinalaman sa personalidad ng tao sa pamamagitan ng mga masalimuot na kaganapan sa lipunang Pilipino. Natuklasang ang mga akda ni Atalia ay nagpapakita ng iba’t ibang anyo ng pagnanasa na tumutukoy sa mga panlipunang isyu at mga pamumunang panlipunan. Politikal at kritikal ang pinagmulan ng mga pagnanasa na inilarawan sa mga akda ni Atalia. May kaugnayan ito sa samu’t saring tunggalian ng buhay at ng lipunan kahit pa larawang sekswal ang madalas namamalas sa kanyang mga likha. Sa estilo at pangkalahatang layunin ng awtor nakitang ang kalibugan at pagnanasa sa loob ng kanyang akda ay naglalayong tumisod sa kamalayan ng mambabasa na unawain ang mga nakakubling kahulugan ng kanyang akda at salaminin ang iba pang kalagayang hindi lantad na ipinakita. Sa gayong kalagayan, napatunayan na ang konsepto ng libog bilang mahalay, sekswal, bastos bulgar, erotik at taboo ay nagkaroon ng bagong kahulugan bilang nakalilitong tagpo, nakalilitong larawan at pag- unawa sa kamalayan,. Tinugunan nito ang kahulugan ng “libog” para sa mga Bisaya na kalituhan o pagkalito. Naiugnay rito ang konsepto ng “libog” sa wikang Filipino at Bisaya.