Ang Pailubness sa mga Piling Sugilanon ni Satur Apoyon

Authors

  • MARINA S. QUILAB

Keywords:

pailub, ethical literary criticism,, rasyonalidad, etikalidad,, pagsasakatutubo,, sugilanon

Abstract

Layunin ng papel na gamitin ang katangian ng pailub sa pagbasa sa mga piling sugilanon ni Satur Apoyon. Ang pagpailub ay pagsasakatutubo sa Ethical Literary Criticism na tumitingin sa aspetong etikal at rasyonal na kalooban ng tao. Ang
pagsasakatutubong ito ay hinugot mula sa mayamang oral na panitikan ng Mindanaw. Itinuturing na pailubness ang mga akto ng pagpailub na makikita sa pananahimik, pagpapakumbaba, at pagbibigay-espasyo na dumaan sa mahabang yugto muna bago humalagpos sa kahuli-hulihang bahagi. Sa kabuuan, napatunayang nagtatalaban ang etikal at rasyonal na kalooban ng tao kung bakit niya piniling magpailub. Mula sa ng konseptong Mindanawon, sa pagpailub ay higit na nangingibabaw ang rasyonalidad na kalooban. At natuklasang taglay ng mga sugilanon ni Apoyon ang katangian ng pailubness.

Published

07/15/2024

How to Cite

S. QUILAB, M. (2024). Ang Pailubness sa mga Piling Sugilanon ni Satur Apoyon. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 34(2), 25–45. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/683