Ang Mekanismo ng Wave at Ang Proseso ng Koineization sa Pagsasanib ng Wikang Sebuwano-Mindanawon at Wikang Tagalog Tungo sa Bagong Varayti ng Filipino

Authors

  • Kristine Aron Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

Abstract

Layunin ng pag-aaral na ito na makabuo ng isang malinaw na prinsipyong makatutulong sa pagpapaliwanag at pagpapatibay sa paglitaw ng bagong varayti mula sa pagsasanib ng wikang Sebuwano-Mindanawon at wikang Tagalog na maituturing na Filipino varayti ng mga Mindanawon. Layunin din nitong maitampok ang bagong varayti tungo sa elaborasyon ng wikang Filipino. Samakatuwid, tiningnan sa pag-aaral ang mga salitang nagkaroon ng koineization kapag ang nagsasalita ay isang Sebuwano- Mindanawon ispiker na ang kausap ay isa namang Tagalog ispiker. Ang pagkuha ng mga impormasyon at datos ay batay sa pakikipanayam sa mga gradwadong estudyante na nakatira sa Sanggumay Residence Hall na nag- aaral sa UP-Diliman.

Ang teoryang ginamit sa pag-aaral ay ang teoryang ginamit ni Peter Trudgill (1986) na lapit na Koineization at wave model theory na isang lapit etnolohikal ni J. Schmidt na kumikilala sa gradwal na pagbabago ng wika sa pamamagitan ng pagtingin sa kaugalian at pinagmulan ng lahi ng isang tao o grupo sanhi ng palagian at madalas na pag-uusap.


Napatunayan na ang mga salitang lumitaw sa pakikipagtalastasan ay maituturing na varayti ng Filipino ng Mindanao na may bagong anyo subalit nananatili pa rin ang kahulugan lalo na ang terminong kultural. Nagsupling naman ng mga bagong ideya ang ibang nabuong varayti batay sa gamit nito sa kasalukuyang panahon. Patunay lamang na dumaan ito sa prosesong Koineization tulad ng paghahalo (mixing), pag-aantas (leveling) at pagpapagaan (simplification) na nakatulong upang ipalaganap at itanghal ang wikang pambansang Filipino sa nagbabagong panahon.

Published

10/10/2022

How to Cite

Aron, K. (2022). Ang Mekanismo ng Wave at Ang Proseso ng Koineization sa Pagsasanib ng Wikang Sebuwano-Mindanawon at Wikang Tagalog Tungo sa Bagong Varayti ng Filipino. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 33(2), 71–91. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/112