Diyalektikong Panlipunan sa mga Piling Sugilanon ni Gumer M. Rafanan
Keywords:
Gumer Rafanan, Rehiyonal na Panitikan, Dayalektiko, suliraning panlipunan, SugilanonAbstract
Ninais sa pagsusuring ito na maipakita ang kontradiksyong panlipunan bilang diskursong panlipunan ni Gumer M. Rafanan sa dalawang sugilanon na Usa ka Kumkom nga Tinapay at Bantayog. Ginamit sa paglalahad sa mga kontradiksyon ang ideya ni Gramsci tungkol sa gahum at Althusser para sa mga aparatus sa lipunan na ideolohikal at represibo. Katotohanan na nakikita sa kanyang mga sugilanon ang imbestigasyon sa: kalagayan ng buhay, gahum ng estado; mga prebilihiyadong tao at ang umpugan ng mga institusyon na lumikha ng maraming kawalan sa lipunan. Naghatid ang banggaang ito ng: kawalan ng hanapbuhay, kawalan ng karapatang magkaroon ng sariling bahay, kawalan ng masasandalan sa oras ng kagipitan at iba pa. Sa pahiwatig ni Rafanan mula sa kanyang sugilanon, inihain niya na solusyon sa suliraning panlipunan ang interbensyon ng tao, ng karaniwang mamamayan, ng masa sa lumalawak na kapangyarihan ng kapitalista, ng estado, at ng mga politiko sa bansa.