Pagsasaling Audiovisual: Ang Proseso ng Dubbing Bilang Bagong Anyo ng Pagtutulay

Authors

  • Airen Sajulga Mindanao State University-Iligan Institute of Technology
  • Melba Ijan Mindanao State University-Iligan Institute of Technology

Keywords:

dubbing, pagsasaling audiovisual (AVT), tagasalin, concept of multimodality, voice talent

Abstract

Nakapaloob sa bahaging ito ang pagsagot sa tanong tungkol sa kabuuang proseso ng dubbing sa Pilipinas at ano ang kaibahan nito sa ibang uri ng pagsasalin. Isang bagong disiplina ang pagsasaling audiovisual na hindi pa nabibigyang-pansin ng mga iskolar partikular na dito sa Pilipinas. Pangkalahatang layunin ng papel na ito na matukoy ang buong proseso ng dubbing bilang isang uri ng pagsasaling audiovisual, isang bagong anyo ng pagsasalin.


May anim (6) na proseso ang pagsasagawa ng dubbing. Una na rito ang (1) Pagbubuo ng Produksyon, (2) Pagsasalin ng Iskrip, (3) Pagpili ng mga Voice Talent, (4) Pagsasagawa ng Dubbing, (5) Pag-eedit o Synchronization at Pagrerebisa, at ang (6) Pagpapalabas. Pangunahing kasangkot mula sa prosesong ito ang tagasalin, voice talent, direktor, at sound engineer. Lumabas din sa pag-aaral na hindi na binibigyang-pansin sa pagsasaling audiovisual ang pagpili ng tagasaling may digri sa pagsasalin o anumang background tungkol sa pagsasalin.

Published

10/19/2022

How to Cite

Sajulga, A., & Ijan, M. (2022). Pagsasaling Audiovisual: Ang Proseso ng Dubbing Bilang Bagong Anyo ng Pagtutulay. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 32(2), 67–81. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/129