Panumbas sa Filipino ng Panghihiram: Pagtinging Semantikal at Sintaktikal
Abstract
Tinalakay sa artikulo ang ginagawang panunumbas sa wikang Filipino ng mga salitang hiram sa Ingles at ang implikasyong semantikal at sintaktikal ng mga ito. Nagbigay ng mga halimbawa at ipinaliwanag ang epekto ng panunumbas na ito para mapayaman ang bokabularyo ng Filipino. Gayundin, gumawa ng isang sintaktikal, kasama na ang semantikal, na analisis ng mga wikang Filipino at Ingles na gamit ang immediate constituent.