Hiram na Salitang Ginagamit sa Maiikling Kwento sa Magasing Liwayway (Enero-Hunyo, 1998)
Abstract
Nakatuon ang papel na ito sa pag-uuri-uring mga salitang hiram na ginamit ng mga manunulat ng maiikling kwento sa magasing Liwayway. Ginamit na batayan ng pagklasipika ng mga salitang hiram ang itinakda ni Santiago.Ang dalawang nakaugalian at karaniwan nang klasipikasyon ay ang ganap at di-ganap na paraan ng panghihiram. Inalam din sa papel na ito kung paano manghiram ng salita ang mga manunulat.