Kulturang Popular at Neoliberalismo
Keywords:
Kulturang popular, neoliberalismo, call center, urban renewal, jologifikasyonAbstract
Tinatalakay ng sanaysay ang mga katangian at historikal na pagkaunlad ng neoliberalismo sa popular na kultural na imahinasyon at praktis sa pang araw-araw na buhay. Na kahit na nakakapanlatay ang epekto nito sa isyung pangkabuhayan, panlipunan at pangkasaysayan ng bansa at mamamayan, sinusuri ng sanaysay ang iba't ibang larangan ng pagkalaganap ng kulturang popular ng neoliberalismo sa bansa. Sa pamamagitan ng mga sub-paksa ng call center at ang paglikha ng somnambulistang nilalang, ang urban renewal sa mga unibersidad, ang paglaganap ng Sogo branches at ang lehitimasyon ng bawal na sexual na pagnanasa, at I ang kalakarang "jologitikasyon," tinutumbok ng sanaysay ang panganib ng individualisadong pagpapakaranasan sa neoliberalismo bilang pribatisado at nadadanas lamang sa pamamagitan ng kasiyahan.