Kuwento ng Nanay, Nanay ng Kuwento: Ang Guro Bilang Tagamangha
Abstract
Tatalakayin ng artikulo ang papel ng guro bilang isang taga-kuwento sa mga estudyante tulad ng isang ina. Ang ina bilang unang kuwentista ang nagsisilling tagamangha, kung ganoo'y unang tagabinat ng imahinasyon ng mga bata. Sa pamamagitan ng kamangha-manghang kuwento, mai engganyo ng isang guro ang kanyang mga estudyante, na gamitin ang kanilang imahinasyon at pumaloo sa daigdig ng panitikan. Mahalaga ang haraya o imahinasyon hindi lamang sa pagtuturo o pag-aaral ng panitikan, kundi pati na rin sa pagtugon sa mga kumplikadong karanasan ng mga estudyante, personal man o pang-akademiko.
Magbibigay rin ng mga halimbawang panitikang bayan at maglalatag ng gabay kung paano ito unawain at bibigyan-kahulugan. Tutukuyin ang mahikal at kamangha-manghang panitikan ng ating bansa at kung paano nito nahuhubog ang ating pananaw.
Kaakibat ng ganitong pagtingin sa kahalagahan ng pagkukuwento bilang instrumento ng pagkatuto, iminumungkahi ang pagbabalik sa mga panitikang-bayan. Ang mga salawikain, epiko at kuwentong bayan ay hindi lamang mabisang piyesa sa pagkukuwento kundi isang malinaw na salamin ng ating kasaysayan at pagkakakilanlan.