Sino Ba Talaga and Bida sa Bidahan? Aaaah...Bahala na si Batman!
Keywords:
delivery, creativity, content, audience reaction, storytellingAbstract
Tatalakayin sa papel na ito ang mga karaniwang problema sa Salaysayan • Storytelling. Sa isang parang pakuwento rin, sisikapin ng artikulong tukuyin ang madalas na pagmulan ng kalituhan kaugnay ng pagdaraos ng Salaysayan, sa klasrum man o paligsahan; at ang posibleng sagot sa mga agam agam na ito.
Magmumungkahi rin ng ilang mga paraan sa pagpili at paghahanda ng piyesa sa Pagkukuwento; sistema ng pagtetreyn ng kalahok; at simplipikadong kraytirya ng pagrereyt at pag-eevalweyt ng mga kontestant. Sa pamamagitan ng paghahanay ng mga "dapat" at "hindi dapat" sa Pagsasalaysay, maigigiya ang mga kalahok; tagapagsanay at tagapamahala sa mga wastong tunguhin ng Sining at Agham na rin ng Pagkukuwento.
Sa huli, nilalayon ng artikulo na mabigyan din na ang pinakamahalagang salik ng Pagkukuwento ay ang "Kuwento" mismo.
Ibinabalik ang focus sa kahalagahan ng mensaheng nakapaloob sa kuwento na hindi dapat matabunan ng iba pang teknikalidad at nakagawiang paghahatag ng mas makatuwirang bigat sa Tagasalaysay sa halip na sa totoong bida sa bidahan-ang Kuwento.