Ang Kombersasyong Kaswal ng mga Estudyante sa CASS

Authors

  • Marina G. Quilab

Keywords:

chorus, closing,, conversational analysis,, discourse analysis,, ellipse,, interference,, interlocutor,, overlapping,, pre·closing,, prodding,, turn·taking,, utterance

Abstract

Ito'y naglalayong suriin at analisahin ang kaswal na pagpapalitan ng usapan ng isang grupo ng mga estudyante sa CASS, MSU-IIT. lnilarawan ang usapang naganap at, kinilala (1) ang mga speech acts na makikita sa utterances ng mga interlocutor, '(2) tiningnan kung paano nagsisimula at nagtatapos ang kanilang usapan, at (3) kinilala ang mga
hudyat ng pagpasok sa pag·uusap ng mga kalahok sa usapan. Natuklasan ang sumusunod: May pagsasapawan ng utterances sa loob ng parehong turn at may mga pagko·chorus ding nangyari o iyong sabay·sabay na utterances ng mga interlocutor sa isang pagkakataon. Informal ang paraan at istilo ng pag·uusap dahil sa mga salitang ginamit sa pagpapahayag. Maraming anyo ng speech acts o kahulugang pangkomunikatibo ang lumabas katulad ng pagtatanong, pagsang·ayon,pagkainis, pagpapaliwanag, pagtataka, pagkokompirma, pagbibigay·suhestyon at pagkukwento. May mga pagtatanong na may ibang kaugnay nakahulugan tulad ng pagtataka, pagkabigla o bahagyang pagkagulat. Sa
pagtatanong madalas naipakikita ang hudyat ng pagpasok sa usapan at pagsisimula ng usapan. Nasa preclosing at closing ang paraan nila sa pagtatapos ng usapan. Ang prosodi nagpapabago sa kahulugan ng salita kahit pareho ang anyo nito. Ang paggamit sa mga non-verbal na anyo ng pagpapahayag ay lalong nakatulong upang maintindihan nang maayos
ang mensaheng inihatid ng nagsasalita sa kanyang tagapakinig. Higit na naging aktibo, tuluy·tuloy at masigla ang usapan dahil alam ng mga ispiker ang wikang ginagamit, parehong lebel ng edad sila, magkatulad ang pinagmulan at halos magkakatulad ang hilig nila sa buhay.

Published

04/11/2024

How to Cite

G. Quilab, M. . (2024). Ang Kombersasyong Kaswal ng mga Estudyante sa CASS. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 22(2), 222–245. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/362