Likhawit: Boses ng mga Bayot Bilang Talastasan ng Kaakohan

Authors

  • JUNIL A. ALTES
  • ANGELINA L. SANTOS

Keywords:

likhawit, Bayot, kaakohan,, rekonstraksyon,, sarilinig identipikasyon

Abstract

Nilikhang awit ng mga bayot mula sa kanilang tagayan, parti, at ibang pagtitipon ang pinagaralan. Mahigit sa 69 na mga awit ang nakalap na naglalahad ng kanilang diskurso ng karanasan at pakikipag-ugnayan sa lipunan. Mula sa mga nakolektang kanta, hindi pa rin malaya ang mga bayot dahil may nakatakda ng depiksyon ang lipunan sa kanilang kaakohan at seks wal na oryentasyon sa kabila ng mala wak na pagtanggap sa kanila. Ito ang hadlang upang ipakita at ipakilala ang kanilang pagkaako (being) nang ayon sa kanilang sariling depinisyon. Kailangan pa nilang muling itindig at magkaroon ng rekonstraksyon sa kaakohan para maigüt ang sarili. Batay sa pagsusuri at interpretasyon sa mga ait, nabuo sa pagaaral ang modelo sa rekonstruksyon ng kaakohang bayot na binubuo ng sumusunod hakbang (a) sariling identipikasyon: (b) sariling determinasyon: c) repleksibo: (d) pagtatanghal sa sarili: at (e)diskursong pansarili.

Published

04/29/2024

How to Cite

A. ALTES, J., & L. SANTOS, A. . (2024). Likhawit: Boses ng mga Bayot Bilang Talastasan ng Kaakohan. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 30(1), 285–306. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/518