Sandosenang Sendong- and Talinghaga ng Pagwasak at pagbuo
Keywords:
Sendong, akda, pagwasak, pagbuo, procesoAbstract
Labindalawang akdang pampanitikan ang nabuo ngg maikling awtor at isanf dosena,walo(8) rito ang maikling kuwento dalawa (2) and dula at tig-isa ang dagli at tula. sa proceso ng pagsulat ng mga akda, natuklusang napakaramig posibilidad ng paglikha at pagbuo kung "wawasakin" ang ilang akdang nakatatag na. Ganito anf nangyari sa mga kuwentong alamat ng Pinya.alamat ng Naria Cristina, Maria Cacao, Rapunzel, Santa Claus and Elves at The Three Little Pigs. isang akto rin ng pagbubuo ng "nawasak" na sarili ang mismong paglikha ng mga akda. Napatunayan ang sinabi ni Pablo Picasso na "Every act of creation is first an act of destruction."
Winasak ako ni Sendong subalit tinuruan niya rin ako kung paano bumuo rin siya. Ako na ngayon si Sendong na mangwawasak ng mga akda upang makabuo ng bagong akdang pagmumulan ng bagong kahulugan at talinghaga ng ipinaunawa ni Sendong ang hiwaga at talinghaga ng pagwasak at pagbuo. Sa ganito ko nadalumat ang aking mga akda. sa ganito ko naunawaan kung bakit kailangang maganap ang pagwawasak.
Subalit alam kong hindi pa dapat pag-usapan ang kalidad ng mga akdang nasa koleksyon. sa isang banda'y maaring matukoy ang uri ng kinalabasang akda, halimbawa'y maaring ituring na hybri anf nabuong akda sa pamamagitan ng retailling, subalit usapin pa rin kung nahigitan ba ng nabuong akda ang winasak nito. Subalit ang mga akda ko sa pangwawasak ng iba at nabuong puso ko silang makapagpapausbong sila ng bagong kahulugan, ng bagong katotohanan, ng bagong akda, ng bangong Sendong. Tuloy-tuloy anf pangwawasak dahil kailangang magpatuloy rin ang pag bubuo.