Ang Wikang Sebuano ng mga Meranaw: Tungo sa Pagbuo ng Bagong Barayti ng Wika
Keywords:
Interperensya ng wika, Cross-Language, Saloobing pangwika, Sebuano- Mëranaw Wika, Barayti ng wikaAbstract
Pangunahing layunin ng pag-aaral na masuri ang barayti ng wikang Sebuano na Sebuano-Mëranaw gamit ang cross-languaging ng mga Mëranaw sa paggamit ng wikang Sebuano batay sa piling mga domeyn pangwika sa Lungsod Iligan. Purposive sampling ang pamaraan sa pagkuha ng datos mula sa dalawang domeyn pangwika –ang Mindanao State University-Iligan Institute of Technology (MSU-IIT) at pampublikong pamilihan sa nabanggit na lugar. Nagpamudmod rin ng talatanungan tungkol sa pagkuha sa saloobing pangwika para maipaliwanag ang naturang penomeno ng interperensiya sa wika ng mga Mëranaw sa pagsasalita ng wikang Sebuano.
Mula sa mga datos na sinuri, may nangyayaring interperensiya sa wika ang mga Mëranaw sa pagsasalita ng wikang Sebuano sa aspektong ponolohikal at morpolohikal. May nagaganap na pagpapalitan ng posisyon sa diin ng mga Mëranaw sa mga salitang Sebuano rason upang magbago ang kahulugan ng salita batay sa konteksto nito. Ang sitwasyong pangwikang ito ay dulot ng pakikipamuhay ng mga Mëranaw sa Lungsod Iligan bilang mga negosyante at mga dayo na nag-aaral sa MSU-IIT. Ang mga babrayti na Sebuwano-Mëranaw sa aspektong morpolohikal ay ang pagbabago sa mga kontraksyon sa Sebuano, deribasyon, reduplikasyon, pagkaltas o clipping, at paghahalo o blending.