e·Kagamitang Pampagtuturo: Pagtuturo sa Panahong Elektroniko

Authors

  • Mary Ann S. SANDOVAL

Keywords:

e·Kagamitang Pampagtuturo,, kagamitang pampagtuturo,, pagtuturo ng wika,, pagtuturo ng panitikan,, komnet,, online communication

Abstract

Napakarami nang gawain ang naisasagawa sa tulong ng makabagong teknolohiya partikular ang kompyuter at internet. Nagiging makabuluhan ang teknolohiyang ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao, sa interaksyon, pagpapalaganap ng impormasyon, at komunikasyon. Sa larangan ng pagtuturo ay hindi maitatatwa ang tulong na idinudulot ng teknolohiyang ito sa mga guro, hindi lamang ng syensya kundi maging guro ng wika at
panitikan. Sa puntong ito, mahalagang may sapat na kaalaman ang mga guro sa mga napapanahong estratehiya at teknik sa pagtuturo kasabay ang paghahanda ng mga kagamitang gumagamit ng
makabagong teknolohiya.

Published

04/11/2024

How to Cite

S. SANDOVAL, M. A. . (2024). e·Kagamitang Pampagtuturo: Pagtuturo sa Panahong Elektroniko. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 22(2), 209–220. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/360