Likhawit- Boses ng mga Bayoy Bilang Talastasan ng Kaakohan

Authors

  • JUNIL A. ALTES
  • ANGELINA L. SANTOS Ph.D

Keywords:

likhawit, bayot, kaakohan, rekonstraksyon, sariling identipikasyon

Abstract

Nilikhang awit ng mga bayot mula sa kanilang tagayan, parti, at ibang pagtitipon ang pinag aralan. Mahigit sa 69 na mga awit ang nakalap na naglalahad ng kanilang diskurso ng karanasan at pakikipag ugnayan sa lipunan. Mula sa mga nakolektang kanta, hindi pa rin malaya ang mga bayot dahil may nakatakda ng depiksyon ang lipunan sa kanilang kaakohan at sekswal na oryentasyon sa kabila ng malawak na pagtanggap sa kanila. Ito ang hadlang upang ipakita at ipakilala ang kanilang pagkaako (being) nang ayon sa kanilang sariling depinisyon. Kailangan pa nilang muling itindig at magkaroon ng rakonstraksyon sa kaakohan para maigit ang sarili. Batay sa pagsusuri at interpretasyon sa mga awit, nabuo sa pag aaral ang modelo sa rekonstruksyon ng kaakohang bayot na binubuo ng sumusunod na hakbang: (a) sariling identipikasyon; (b) sariling determinasyon; (c) repleksibo; (d) pagtatanghal sa sarili; at (e) diskursong pansarili. 

Published

06/13/2024

How to Cite

A. ALTES, J., & L. SANTOS Ph.D, A. (2024). Likhawit- Boses ng mga Bayoy Bilang Talastasan ng Kaakohan. ASIA PACIFIC JOURNAL OF SOCIAL INNOVATION, 30(1), 285–305. Retrieved from https://journals.msuiit.edu.ph/tmf/article/view/670